Bukod sa una nang napabalitang pagtaas ng presyo ng bawang, luya, bigas at asukal, tumaas na rin ang presyo ng manok at baboy
NADAGDAGAN ng P10 hanggang P15 ang kada kilo ng karneng manok sa merkado.
Sa kasalukuyan nasa P135 na ang kada kilo ng manok habang P140 naman kapag choice cut o yung customer ang siyang pipili ng mga bibilhing parte ng manok.
Ayon sa ilang mga negosyante, P5 lamang ang ipinapatong nila sa kada kilo ng manok upang hindi sila malugi.
Kaugnay nito, agad na nilinaw ni Agriculture Secretary Proceso Alcala na walang dahilan para itaas ang presyo ng manok at baboy dahil wala namang kakapusan sa suplay nito.
Nagpatupad ng SRP ang pamahalaan at kaugnay nito ay naglibot ang DTI at DA upang tiyakin na walang lalabag rito dahil na rin may iilang palengke ang di umanoy nag o over-pricing.
REFLECTION
Bilang estudyante, marapat lang na kami ay mulat sa mga usapin tungkol sa ating bansa, lalo na pagdating sa ekonomiya. Ilan sa mga karaniwang pang araw-araw na pagbabagong aming nababalitaan ay ang pagbaba at pagtaas ng presyo ng mga bilihin na tunay ngang naka aapekto sa pang araw araw na gastusin ng bawat Pilipino.
Sa pagtaas ng presyo ng manok, madalas na itinuturing na dahilan ang masamang panahon, kalamidad, mataas na presyo ng feeds, at maging simpleng pagtaas ng gasolina na naka aapekto sa transportasyon ng mga karneng manok. Pero para sakin, wala naman nang bago rito, kung babatidin mas madalas na tumaas kesa bumaba ang presyo nito lalo na kapag may okasyon tulad ng undas, pasko, at bagong taon, kasabay ng pagtaas ng presyo ng iba pang mga bilihin.
Ang manok ay parte na ng hapag kainan ng bawat pamilyang Pilipino. Hindi kumpleto ang kasiyahan sa mga okasyon kung wala nito. Isa ito sa paborito lalo na ng mga kabataang. Ngunit dahil sa madalas na pagtaas ng presyo nito, ay mas pinipili nalang ng mga karaniwang mamamayan na humanap ng alternatibong maihahanda sa kanilang hapag. Sana'y mas mapaigting pa ang pagbabantay sa presyo di lamang ng manok kundi nang iba pang bilihin, dahil maraming negosyante ang mapang-abuso sa kanilang itinatakdang presyo lalo na kapag may okasyon. Napipilitan na lamang bumili ang ibang mamimili bunga ng pressure na dulot ng Panic Buying. Lahat naman ng mamayan naghihirap, at pinagtatrabahuhan ang bawat salaping kinikita nila, kaya marapat lang na ang bawat pisong ginagastos nila ay tama sa timbang o bilang ng produktong kanilang binibili.