Bakit nga ba tumaas ang mga bilihin ngayong taon? Partikular na ang mga pangunahing pagkain tulad ng bigas,mga kasangkpan sa pag luluto,gulay at karne. Ano nga ba ang dahilan sa kabila nito?
Pagtaas ng presyo ng BIGAS:
IPINABUBUSISI na ni Bayan Muna Representative Neri Colmenares na imbestigahan ang biglang pagtaas sa presyo ng bigas sa bansa.
Kinukwestyon ni Colmenares ang pagtaas ng presyo ng bigas sa kabila ng milyong metric tons na import rice nitong Enero hanggang Abril na stock para sa lean months. Hindi rin makapagbigay ng pahayag ang National Food Authority (NFA) kung kailan ulit bababa ang presyo ng bigas dahil apektado pa rin ang bansa ng mahabang El Niño.
Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma, hindi maiwasan ang nasabing price hike dahil sa “market forces.”
Bagama’t patuloy namang mino-monitor ng NFA at ng Department of Agriculture (DA) ang galaw ng supply at demand.
Sinabi ni Coloma na kampante naman ang NFA at DA na kapag nagsimula na ang planting season ay babalik din sa regular ang presyo ng bigas.
Paliwanag ng mga nagtitinda, nasa P1,740 hanggang P1,950 na ngayon ang presyo ng kada sako ng bigas na nagtaas ng P200 kada sako mula pa noong Hulyo. Pumapalo na sa P36 kada kilo ang pinakamurang klase ng commercial rice. Kakulangan sa suplay ng palay naman ang ikinakatwiran ng rice millers sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas.
Paglilinaw naman ni Proceso Alcala, kalihim ng Department of Agriculture (DA) sa panayam ng DZMM, sapat ang suplay ng palay sa bansa at hindi dapat mag-panic ang publiko.
'Artificial shortage'
Inihayag din ni Alcala na "artificial" lamang ang nararanasang kakulangan sa suplay ng palay kaya patuloy ang pagmahal ng presyo ng bigas.
"Meron na naman pong ilang kababayan tayo na gustong gamitin itong mga pangyayari sa kasalukuyan para takutin po ang mga taong tao na may kukulangan sa bigas at kakulangan sa palay," ani Alcala.
Nakikipag-ugnayan na sa Department of Trade and Industry (DTI) ang kagawaran upang tukuyin ang mga nagmamanipula sa suplay at presyo ng bigas.