“Mayroong nagmanipula sa pagtaas ng presyo ng bawang!”, ang diretsong pananaw ni Department of Agriculture (DA) Sec. Proseso Alcala sa biglang pag taas ng presyo ng bawang sa lahat ng pang publikong merkado ng bansa
“I don’t see any reason why prices should go up, unless there are some people who are trying to manipulate the price,” ang pahayag ni Alcala.
Aniya,sumipa sa P280 kada kilo sa Metro Manila ang bawang na halos kasing mahal na rin ng mga imported na bawang na nasa P290 hanggang P350 ang kilo.
Sinabi naman ni Agriculture Agribusiness and Marketing Assistance Director Leandreo Gazmin, na marahil posibleng ang malamig na panahon mula noong Disyembre hanggang Pebrero ang naging dahilan ng biglaang pagmahal ng bawang o ‘di kaya ay dahil sa suplay nito.
Kaya naman patuloy ang imbestigasyon ng DA kung may nagmanipula sa pagtaas ng bawang dahil ang dapat umanong nagtaas ay ang imported na bawang at hindi ang local produce na bawang na galling sa ating bansa
Matatandaang umabot ng P280 ang presyo ng kada kilo ng bawang o 74% na pagtaas sa loob lamang isang taon. Minsan ding umabot sa P400 kada kilo ang presyo nito.
Pero karamihan ng mga import permit ay ipinagkaloob sa iisang grupo at ito ang nagdikta ng mataas na presyuhan. Nabuo umano ang garlic cartel dahil sa kawalan ng malinaw na patakaran ng Bureau of Plant Industry (BPI).
Kinilala ng DOJ ang isang Lilia M. Cruz alyas Leah Cruz na lider umano ng grupong nakakuha ng 75% ng inangkat na bawang. May dummy entities o mga pekeng negosyo umano ito na accredited pa ng BPI.
Sisiyasatin din ang posibilidad na nakipagsabwatan ang kartel sa mga opisyal ng BPI at Department of Agriculture.
REFLECTION
Para saaming grupo ang biglaang pagsipa ng presyo ng bawang ay lubos nakakabahala at nakakapanglumo, alam naming malaki ang magiging epekto nito sa ating ekonomiya pwede itong maging dahilan ng pagbagsak ng Kaban ng ating bansa dahil puspusang pag aangkat ng ating bansa ng mga imported na bawang mula sa ibang panig ng mundo
Bilang isang estudyante, alam naming hindi kami masyadong makakatulong ng malaki sa problemang iyan ng ating bansa ngunit may mga bagay na kaya naming gawin para maparami ang produksiyon ng bawang sa ating bayan, bilang isang naninirahan sa “bayan ni Juan” may tungkulin kaming pangalagaan at paramihin kung ano man kayamanang matatagpuan dito.
bilang isang Estudyante ang pinaka malaking tulong na kaya naming ibigay ay ang pagtatanim ng bawang, marahil matagal bago kami makatulong pero alam naming na sa susunod na mga panahon ay hindi na muling mararamdaman n gating bansa ang nakakapanglumong pangyayaring ito, ang biglaang pagsipa ng presyo ng bawang.